Sabado, Marso 11, 2017

Selections That Violate the Article XIV- The 1987 Constitution

Below are the following selections that violate the ARTICLE XIV- The 1987 Constitution
Under:
Education
Section 3
Teacher M, a history school teacher teaches a Grade 8 class with a little bit history of the Philippine country and focus more on foreign countries considering that he is a fond of the particular country which was he is discussing. And after, teacher M gives a task to his students to state one hate of their own country (just for example the undying traffic problem) and if they will have given a chance to live to a foreign country, where would it be.
                                    
Section 4
Ms. A was planning to enroll in a prestigious University and she found this University as one of her dream to study. Unfortunately, during her enrollment she was not accepted to the said University because she is a Filipino citizen, particularly an aeta though, she has this money to pay for the matriculation.

Section 5
          Ms. L was planning to enroll in college with an Education course. By the time she went to enroll, the school admission puts her into an Engineering course with regards to the entrance examination which was Mathematics comes the as the highest score that she was obtained. Ms L did not bother to cancel her enrollment because a long process will take.
         
Language

Section 7
          This particular Grade School in the country makes use only of the English language as a medium of instruction and communication. Most of the students are all Filipino citizens. All subjects instead of teaching them to the students using the National Language which is Filipino, the school does not allow it and translated it into English Language instead.

Section 6
          The Commission on Higher Education was planning to delete the Filipino Language in teaching the tertiary students as well as the Filipino Subjects which was supposedly will be taken by those college students.



Section 9
          The Congress was conducted a conference a conference for the use of languages for the betterment of the education of the country. The Conference’s Guests was participated by Regions and Mayors per City and other sectors. During the discussion of the topic, the honored speaker talks and discussed only both the Filipino and English Language. Some participants coming from Visayas and Mindanao felt disappointment because their assumption before the conference was not met after.

Science and Technology

Section 11
          Sir W a science student has known for its scholastic inventions like “gear at the sea” and many more. He made a lot of creations but there were times that his pocket does not support his goals(s) to achieve something and there’s only one alternative he found, to sell his inventions. Sad thing, the Congress knew about Sir W’s situation but they make no actions.

Section 10 and 12
           Miko, a seventeen year old student fortunately gifted with his capabilities to hack Internet Systems and/or Programs. Aside from this, Miko also known as famous face book user because of his interest-catcher posts and also his father is a member of internet system committee. In a positive side, Miko hack only IS in a good way. The Father and Son created a page to teach the young minds about science and technology but the state make action to it and advised them to stop for no valid reason (just for example, it is not a registered page and other concerns).

Section 13
          Leo, an inventor was invented this called “magical pen”. His invention was known all over his city. When his invention comes across nationwide, Leo has receives no credit.  And later found out that the City Mayor and the Science Association Head make a secret deal about it without Leo knowing.
         
Arts and Culture 

Section 14 and 15
          Mr. M, The Head of the State was visited to the Philippine National Museum during his visit he was amazed by the displays because most of it, especially the paintings come from foreign country which was happened to suit in his interest. He also gives recognition to PNM’s Coordinator due to this. Before his visit, he thinks that PNM’s displays and designs were all about Philippines Arts and cultures.

Section 16
       The Golden Hat that comes from our ancestors was almost 500 years preserved by the Government but they make meeting and jump into the conclusion that they will sell it if there’s deficit ties in Philippines economy.

Section 17
       Ms P, an Indigenous person was also a victim of calamity. There were approximately 200 victims. During the giving of donation she thinks that the giving style is unfair because she is the first who made into line and nobody approaches her to receive next.

Sports

Section 18
       This particular Educational Institution recently stopped the teaching of any kinds of sports in their curriculum because most of the students protest that it is just an additional payment for their matriculation and is not part of the course that they have taken.



Sapatos Kong Napili, Kasama Ko sa Paglalakbay Patungong Tagumpay

Ang pamimili ng kurso ay katulad din ‘yan ng pagpili mo ng sapatos na iyong bibilhin. Dapat kumasya sa sukat ng paa mo. Unang-una bago ka bumili, titingnan mo muna kong ito ba’y iyong naibigan. At saka magpapasya kung ang halaga ba’y kaya ng bulsa. Ngunit marami sa mga mamimili ang inuunang tingnan ang halaga (price) at saka pagpasyahang bilhin. Ito, ito ay isa sa mga patunay na sa pagpili, kapag ikaw ay pumili dapat ito ay iyong matipuhan at ilakip mo narin ang kung ano ang sinasabi ng iyong kaloob-looban. Ngunit bakit pagiging guro ang kursong aking pinili? Dahil ba katulad din sa pagpili ko ng sapatos, ninais ko rin ba na maging isang guro? Nahanap ko ba ang tukmang sukat ng sapatos sa aking mga paa at sasabayan ako sa paglalakbay upang makamit ang aking mga pangarap patungong tagumpay?
Noong ako ay nasa elementarya pa lamang  pangarap ko na ang maging isang guro at hanggang sa mag dalawang taon na ako sa haiskul. Noon naalala ko, habang nag-uulat ako at nagsasalita sa harap ng aking mga kaklase bukod sa may pangangambang nadarama ramdam ko’y nagiging masaya ako ng mga sandaling ‘yon. Pagkatapos pa noon, sinabi ng isa kong kaklase na “Flor, ikaw mag istorya ba kay naay hand moves, mura gyud og maestra”. Masaya, masaya ako sa aking narinig. Hindi nagtagal ang panahon ang mga taon at araw ay kay daling lumipas at akoy gagradweyt na sa sekondarya. Isang araw abala kaming mga magkakaibigan sa pag-uusap kung sakali makapag- aral kami ng kolehiyo ay anong kurso ang aming kukunin at saan kami mag-aaral. Magulo, maingay, may nagtatawanan at pati ako ay nalito kung anong kurso ang aking pipiliin. Kaya ayon nilagay ko sa lisatahan para sa aming Year Book na gusto kung mag Business Ad dahil narin sa gusto kong magnegosyo at magpayaman. Okay lang na Business Ad ang nilagay ko, hindi pa naman huli ang pagpapasya at hindi rin ako sigurado na ako ay makakapag-aral sa kolehiyo dahil ako ay anak maralita lamang.
Tapos na ang grawasyon namin. Summer time, Isang araw sinabi ko kina Mama at Papa “Ma, Pa, gusto gyud ko mo skwela” habang ang aking mga luha ay dahan-dahang nahuhulog sa giliran ng aking mga mata. “Ayaw ra gud mig hilak-hilaki bi, unsaon mana nato na pobre man ta? Imo man ganing Ate wala naka skwela, ikaw na noon?” Hindi ko alam kong  may pagkaawa bang naramdaman ang aking Mama at Papa noon. Inintindi ko nalang, oo ininintindi ko na mahirap lang kami. Pinunasan ko ang mga luha sa aking mga mata, nagmuni at humanap ng mapagtatrabahuan. Pangalawang lingo sa April, may mensahe akong natanggap galing sa aking kaklase sa haiskul, kalakip  doon ay listahan ng mga pangalan ng pumasa sa iskolarship, nasa workplace ako noon. Dahan-dahan kong binasa at binababa ang mensahe at nabasa ko ang pangalan ng aking mga kaklase na pumasa. Una… pangalawa…pangwalo… wala… pangsiyam…panghuli na’to..pangsampu. Pangalan ko! Oo pangalan ko ‘yong panghuli. Laking gulat at ako’y nagagalak. Ako’y punong-puno ng pag-asa. Walang mapagsidlan ang aking tuwa at saya. Salamat Panginoon ko ang aking mga kahilingan at dasal ay sinagot niyo.
Fast forward, paahon na para mag enroll. Ako lang mag-isa, walang kasama, walang kaibigan, tanging panulat at mga dokumento lang ang aking bitbit. Bago paman dumating ang araw na ito, nais ko talagang maging isang guro at buo na ang aking disisyon. At palagay ko’y ito na talaga ang tukmang sukat ng sapatos para sa paa ko. Plano ko din na habang nagtuturo ay ipagpapatuloy ko ang pagnenegosyo.
 Pacquiao, Flordliliza Magallon BSED-ENGLISH I Officially enrolled. Masaya ako, napakasayang Makita ang aking ID parang ang puso ko’y gumiling-giling dahil sa sobrang kaligayahan.
Sa kasalukuyan ay ako po’y nasa ikalawang taon na sa kohehiyo BSED- FILIPINO II, hindi ko na naipagpatuloy ang pagpapakadalubhasa ko sa wikang Ingles dahil may proficiency exam na isinagawa ang Pamantasan ng Kapitol para sa mga English Majors upang sila ay makapagpatuloy sa panibagong taon. Ako’ y hindi pinalad na makapasa sa pasulit na ‘yon  kaya nag shift ako ng Filipino. Ngunit para sa akin, hindi mahalaga kung ano ang ‘yong pinagkakadalubhasaan, ang mahalaga ay ang kalidad ng pagtuturo  at kung paano ka hinubog  at binuo ng iyong tagapagturo  upang ikaw ay ihanda sa panibagong hamon ng buhay na iyong masasagupa,mahaharap at mararanasan. Maraming salamat po!


My Philosophies of Education

I believe that every child will be somehow first is to rule the world as what this quotation says that “Give me an infants, well informed, and my own specified world to bring them up in and I’ll guarantee to take anyone at random and train him to become any type of specialist I might select- doctor, lawyer, artist, merchant-chief; and yes, even beggar-man and thief, regardless of his talents, penchants, tendencies, abilities, vocations, and race of his ancestors”- Watson. Totally, we cannot predict the future but there’s one thing for sure every child has its own destiny with regards to the future. Whatever the child will become in the future he/she will always be a member of the society and he/she can rule the world whatever work he/she have. Even a vendor is a work for it is a noble and can be shows to the world. Second, they should not be deprived when they wanted to play as what William Thackerey quoted that “Life is what you make it”. Every child wants to play then you should have allowed them but with limitations and not totally depriving them because playing is what a child thinks that it’s life. And third, a child should feel that he/she is loved by the person around him/her as what a quote in procetiveparenting.net Sharon Silver says that “The way to see how wonderfully your child is behaving is to see how he/she is behaving in school, at church, or at a friend’s house. Kids are supposed to misbehave at home, that’s where they feel safe”. Every child has different characteristics and behaviors, for them to feel that they are important they need understanding from adults and so, adults should know how to control their patience because they first know that a child is very nagger.
            According to Joyce A. Myers “Teacher can change lives with just the right mix of chalk and challenges”. We occasionally heard this line in our daily living, “Nurses, Lawyers and Doctors are none if there was none teacher in the first place”. So, it’s clearly and justifiably that a teacher is an agent of change because he/she makes an ordinary person becomes extra-ordinary. Teaching is a profession that creates another profession. Second, a teacher should build a good relationship to others especially to his/her students and co-teachers. As what written in The Code of Ethics for Professional Teachers Article XI Section 2 The Teacher as a Person stated therein, “a teacher shall place premium upon self-respect and self-discipline as the principle of personal behavior in all relationships with others and in all situations”. And third, a teacher should be one of God’s servant to make the students live morally, intellectually and spiritually as what stated also in The Code of Ethics for Professional Teacher Article XI Section 4 says that “A teacher shall always recognize the almighty God or being as a guide of his own destiny and of the destinies of men and nations”. In the eyes of the students and almost of the population sees that the teacher is perfect and can be trusted- a very wonderful feeling that the public purely trusted the teachers so we should not waste and be proud of it.
            For me, being one of the teachers soon, I believe that my task as a teacher is first, to shape the children for becoming a total person. As what stated in The Code of Ethics for Professional Teachers Article VIII Section 2- A Teacher and a Student has said that “A teacher shall recognize that the interest and welfare of learners are his first and foremost concern, and shall handle each learner justly and impartially.” And so, I will not discriminate my with what talents and skills do they have. Second, I will equally and justifiably give grades to my students as what also stated in The Code of Ethics for Professional Teachers Article VIII Section 6 stated that “A teacher shall base the evaluation of the learner’s work on merit and qualify of academic performance.” As a teacher someday, I will give the students a grade based on their performances with no other bases. Lastly, my task as a teacher is to understand the different personality of my students and I should make a way on how to handle them. Okay, when we talk about personality in a relation to this, we can also talk about cultural diversity. Multicultural Diversity: A challenged to global teachers. Diversity or differences among students have placed greater demands to teachers in today’s schools. Students may differ in race which is commonly indicated by the color of skin. (Book: The Teaching Profession, Purita P. Bilbao, Ed.D, Brenda B. Corpuz Ph. D) Different cultures have different traditions and probably having different characteristics and personality. So, as a teacher it is my task to know first my students and after I will then make a way or strategies on how to handle them. I will teach them fairly. I will assure that everyone can feel that they are part of the classroom.





Ang Banghay-Aralin sa Filipino 18 "Alomorp ng Morpema at Pagbabagong Morpoponemiko"

Ang Banghay-Aralin sa Filipino ng Fil 18
Alomorp ng Morpema at Pagbabagong Morpoponemiko

I.  Layunin:
            Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a.    Nakapagbigay ng tigdalawang halimbawa ng salita na may alomorp kalakip dito ay ang pagsunod sa mga alintuntunin ng mga panlaping may alomorp sa Filipino.
b.    Nakapabigay ng tig-isang halimbawa sa mga proseso ng pagbabagong morpoponemiko.
c.    Naipakita ang pagiging totoo sa pamamagitan ng pagwawasto ng kanilang sariling sagot sa mga tanong na ibinigay sa unang gawain.

II. Paksang-Aralin, Sanggunian at Kagamitan:
a.    Paksa: Alomorp ng Morpema at Pagbabagong Morpoponemiko.
c.    Kagamitan: Sagutang papel, atbp.

III. Pamamaraan: Guro-mag-aaral-teksto.
a.    Panalangin
b.    Pagsasaayos
c.    Pagtatala
d.    Pagbabalik-aral

IV. Pagganyak:
            Ang guro ay maghahanda ng palaro para sa kanyang mga mag-aaral. Ang pangalan ng laro ay “Matira-matibay” na kung saan kanyang susubukin ang dating kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan  ng pagsagot sa mga katanungan ng “Tama” o “Mali’.  May mga pamantayang sasabihin ang guro. Kung sino ang tatlong matitira ay magkakaroon ng tigdalawang  karagdagang puntos at pag isa na lang ang natira ay magkakaroon ulit ng dagdag tatlong puntos. Ang mga matatanggal sa palaro ay ipagpapatuloy parin ang pagsagot sa mga katanungan sa kanilang sagutang papel na ibinigay ng guro.

A.  Paglalahad
            Ilalahad ng guro ang mga katawagan ng may kaugnayan sa kanilang pag-aaral sa alomorp ng morpema at pagbabagong morpoponemiko. Ilalahad ang apat na panlaping may alomorp sa Filipino ang pang, mang, sang at sing.  At ang pitong uri sa proseso ng pagbabagong morpoponemiko. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Asimilasyon na may dalawang uri ang asimilasyong ganap at di-ganap 2. Pagkakaltas-ponema 3. Pagpapalit-ponema 4. Paglilipat-diin 5. Metatesis 6. May Angkop at pang 7. May sudlong o Padaragdag Ponema.

B. Pagtatalakay
            Dito na tatalakayin ng guro isa- isa ang mga alomorp at mga pagbabagong morpoponemiko. Dito mas matatagalan ang pagtuturo dahil sisiguraduhin ng guro na maiintindihan ng kanyang mga mag-aaral ang kanyang itinuturo. Gagawin ang pinakamainam na paraan upang maging madali sa mga mag-aaral ang pag-unawa sa apat na panlaping may alomorp sa Filipino upang mas maging madali sa kanila ang pag-aaral sa ilan sa mga uri ng pagababagong morpoponemiko. Dadahan-dahanin lang ng guro ang kanyang pagtuturo upang ang kanyang itinuturo ay mas mauunawaan ng kanyang mag-aaral. Sa kalagitnaan ng pagtatalakay kung mangyayari may itatanong ang guro at pag may nakasagot ay magbibigay di ng karagdagang isang punto.


C. Paglalapat
            Mangyayari ang mag-aaral ay hihingan ng guro ng tigdalawang halimbawa na ginagamitan ng panlaping may alomorp at mangyayari ito pagkatapos mismo ng pagtalakay.  Pareho rin ang mangyayari pagkatapos ng pagtalakay sa Pagbabagong Morpoponemiko pagkatapos ng pagtatalakay ay agad itong lalapatan ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagbigay ng sariling halimbawa.

D. Paglalahat
            Tatanungin ulit ng guro ang mga mag-aaral kung kanila bang naunawaan ang paksang tinalakay. Kagaya ng mga tanong na; Ano nga ulit ang alomorp? Anu-ano ang mga panlaping may alomorp? Kailang nating gagamitinang alomorp ng pang, mang, sang at sing? Ang Pagbabagong Morpoponemiko, ano nga ulit ito?... atbp.

E. Pagtataya
            Ang guro ay may gaganaping paligsahan. Paligsahan sa tagisan ng talino. Ang klase ay hahatiin ng guro sa dalawang pangkat, ang guro ang mamimili ng lider sa dalawang pangkat at magbibilang ng isa-dalawa isa-dalawa ang mga mag-aaral na hindi napili. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng guro ng mga kagamitan upang kanilang magagamit sa pagsagot sa mga katanungan.



                                         Isinagawa ni:

                                             Flordiliza M. Pacquiao
                                                                            BSEd-II





Miyerkules, Marso 8, 2017

Dalawang Anghel (Bunny)

Ang maikling kwento ng Dalawang Anghel ( Bunny )

Dalawang Anghel
Description: https://www.facebook.com/rsrc.php/v3/yB/r/-pz5JhcNQ9P.png
May Dalawang Anghel na naglalakbay.  Sa kanilang paglalakbay sila ay ginabi at naghanap ng matutuluyan.  May nakita silang malaking bahay. 

"Doon tayo!  Makiusap tayo baka tayo ay patuluyin nila!!!" sabi ng nakababatang anghel. 

"tok.. tok.. tok.." 

Bumukas ang pinto at isang matandang lalaki ang nagbukas ng pinto.  Ang leeg niya ay nakakasilaw dahil sa gintong kuwintas na kanyang suot. 

"Kami po ay ginabi sa paglalakbay, maaari po ba kaming makituloy...."  sabi ng nakatatandang anghel. 

Hindi agad nakasagot ang matanda at tinitigan sila.  Nag-aalinlangan ang matanda sapagkat sila'y nakabalat kayo at hindi alam na sila ay mga anghel.  Ngunit dahil sa pakiusap ng mga anghel na nagbalat kayong tao sila rin ay pinatuloy.  Sila ay pinatulog sa isang masikip na kuwarto na may maatigas na higaan.  Hindi sila inalok ng makakain kahit na alam ng matandang mayaman na sila ay nangangatog na sa gutom.  Nung sila ay matutulog na, nakita ng nakatatandang anghel na may butas ang dingding ng kuwarto.  Inayos niya iyon at isinarado ang butas.  Nakatingin naman ang nakababatang anghel sa mga nangyari.   Kinabukasan, sila ay nagpasalamat at umalis na.  Naglakbay nanaman sila at napunta sa isang bukid. 

"Gutom na talaga ako!" sabi ng nakababatang anghel. 

"O sige teka lang... sa banda roon ay may maliit na kubo...  tingnan natin at tayo ay magtanong sa kanila.." 

Nung sila ay malapit na sa kubo nakita nila ang mag-asawang matanda.  Makikita sa kanilang tindig ang hirap ng buhay. 

"Magandang hapon sa inyo, kayo ba ay naligaw?" sabi ng matandang lalaki. 

"Ginabi na po kami at kami po ay nagugutom... Nakakahiya po ngunit manghihingi kami ng pabor na kung may konti kayong tinapay ay manghihingi po kami para kami ay makaraos sa gabing ito.."  Sabi ng nakatatandang anghel... 

"Oo meron kami dito at gabi na rin masyado para kayo ay maglakbay, kaya dito na kayo magpalipas ng gabi!" sabi ng matandang babae. 

Gutom man hindi pa rin masyadong nakakain ang nakababatang anghel sapagkat napansin niyang ang ibinigay sa kanila ay ang tanging pagkain ng mag-asawa. Inalok niya subalit ipinilit ng mga matatanda na sila ay kumain sapagkat sila ay malayo pa ang lalakbayin kinabukasan.  Maliban doon, pinatulog sila ng mag-asawa sa kanilang higaan, at ang mga matanda ay natulog sa sahig. 



Kinabukasan, nagising ang nakababatang anghel sa isang malakas na iyak.  Lumabas siya at nakita ang matandang babae na umiiyak habang tinitignan ang asawang inaasikaso ang namatay na baka na tangi nilang kayamanan.  Bumalik sa loob ng kubo ang nakababatang anghel na may galit.  Hinarap ang isang anghel at sinabing

"bakit mo ito ginawa?  iyong mayamang matapobre hindi tayo inasikaso pero inayos mo pa ang dingding ng bahay niya.  Pero itong mga matatandang halos lahat ng mayroon sila ay inalay sa atin.. hinayaan mo pang mamatay ang baka nila...  Bakit?" 

"Naiintindihan ko ang ngitngit mo, munting anghel... Pero nung nandun tayo sa mansyon ng matandang matapobre na sinasabi mo.... nakita ko na may kayamanan sa butas ng dingding. Hindi pa niya iyon nakikita. At dahil sa masama ang ugali niya tinakpan ko iyon... Kagabi naman, dumating ang anghel ng kamatayan... kinukuha ang matandang babae... pero dahil mabait sila sa atin, ang kanilang baka ang aking ibinigay..."


"Sa ating buhay, maraming ganitong kwento...  Kadalasan nauuna ang ating panghuhusga...  Pero ang ating nakikita ay maaaring hindi tulad ng ating inaakala. Tayo ay binibiyayaan sa paraang madalas ay hindi natin alam..."


Mga Kategorya ng Pakikinig

Pandinig- tumutukoy ito sa ating kakayahang marinig ang anumang tunog sa pamamagitan ng ating tainga.
Pakikinig- isan proseso ng pag-iisip na may layunin na unawain ang kahulugan na nakapaloob sa mga tunog na pinakikinggan. 

Mga Kategorya ng Pakikinig

1. Marginal o Passive na Pakikinig- Ito'y pakikinig na isinasagawa kasabay ang iba pang mga gawain. Halimbawa: Pakikinig sa isang usapan habang kumakain, nagsusulat, naglalaba atbp. 

2. Masigasig na Pakikinig- Ito'y pakikinig na hanggat maari'y malapit ka sa nagsasalita o nag-uusap para sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng usapan upang magaroon ng angkop na kabatiran sa pangunahing ideya o paglalahah ng tagapagsalita. 

3. Mapanuring Pakikinig- Ito'y isang pakikinig na nagsusuri o naghahatol sa kawastuhan ng mensaheng napakinggan.  Naisasagawa ang ganitong uri ng pakikinig kung nasasabi ang pag-uugnayan ng mga kaisipan o ideyang napakinggan; nasasabi ang kaibahan ng katotohanan sa pantasya; ng totoo sa opinyon atbp. 

4. Malugod na Pakikinig- Ito'y pakikinig na isinasagawa ng may lugod at  tuwa sa isang kuwento, dula, tula at musika. 

Alam mo ba na ang wikang Chinese ang pinaka gamiting wika sa buong mundo?

Alam mo ba na ang Wikang Chinese ang pinakatanggap na gamiting wika sa buong mundo at nangunguna sa listahan ng pinakagamiting wika sa ngayon?

Ang mga lingggwista ay may tantya na mayroong humigit kumulang na 6,800 na wika sa makabagong mundo ngayon.

Mahagit sa 14% ng kabuuang populasyon sa buong mundo ang nagsasalita ng Chinese o Mandarin. Ang mga nasa Taiwan, Malaysia at Singapore ay nagsasalita rin ng Mandarin bilang kanilang pangunahing wika. Ang karamihan sa mga nagsasalita ng Mandarin ay matatagpuan sa pangunahing lupain ng China na may populasyon na 1.3 bilyon. Sa asya pasipiko, 34% ng populasyon ay nagsasalita ng Mandarin. Kahit na kasali ang lahat ng mga diyalekto na ginagamit sa loob ng Tsina, Mandarin ang pinaka popular na diyalekto at kinikilala bilang opisyal na wika ng bansa. Maysa 955 milyong katutubo ang nagsasalita nito, isa sa mga dahilan kung kaya't natawag na pinaka tinanggap na gamitng wika sa buong mundo.





Lunes, Marso 6, 2017

Hello po!

Ipinapaabot ko po ang aking taos pusong pasasalamat sa iyong pagdating aking kagalang-galang na bisita. Ako po ay baguhan lamang sa blog na ito ngunit tinitiyak kong ikaw, ay mayroong makukuhang impormasyon na mayroon ako dito. 

Hangad ko'y ikaw ay aking matulungan sa iilang impormasyon na iyong kinakailagan. Sana'y patuloy po ang iyong pagbisita.

Maligayang Pagkatuto kapartner mula sa FiliPINAYamang Kaalaman.

Maari ka ring mag-iwan ng mga suhistiyon, komento o rekomendasyon para po sa ikabubuti at kapakinabangan ng blog na ito.

Maraming Salamat po!