May Dalawang Anghel na
naglalakbay. Sa kanilang paglalakbay sila ay ginabi at naghanap ng
matutuluyan. May nakita silang malaking bahay.
"Doon tayo!
Makiusap tayo baka tayo ay patuluyin nila!!!" sabi ng nakababatang
anghel.
"tok.. tok..
tok.."
Bumukas ang pinto at
isang matandang lalaki ang nagbukas ng pinto. Ang leeg niya ay
nakakasilaw dahil sa gintong kuwintas na kanyang suot.
"Kami po ay
ginabi sa paglalakbay, maaari po ba kaming makituloy...." sabi ng
nakatatandang anghel.
Hindi agad nakasagot ang
matanda at tinitigan sila. Nag-aalinlangan ang matanda sapagkat sila'y
nakabalat kayo at hindi alam na sila ay mga anghel. Ngunit dahil sa
pakiusap ng mga anghel na nagbalat kayong tao sila rin ay pinatuloy. Sila
ay pinatulog sa isang masikip na kuwarto na may maatigas na higaan. Hindi
sila inalok ng makakain kahit na alam ng matandang mayaman na sila ay
nangangatog na sa gutom. Nung sila ay matutulog na, nakita ng
nakatatandang anghel na may butas ang dingding ng kuwarto. Inayos niya
iyon at isinarado ang butas. Nakatingin naman ang nakababatang anghel sa
mga nangyari. Kinabukasan, sila ay nagpasalamat at umalis na.
Naglakbay nanaman sila at napunta sa isang bukid.
"Gutom na talaga
ako!" sabi ng nakababatang anghel.
"O sige teka
lang... sa banda roon ay may maliit na kubo... tingnan natin at tayo ay
magtanong sa kanila.."
Nung sila ay malapit
na sa kubo nakita nila ang mag-asawang matanda. Makikita sa kanilang
tindig ang hirap ng buhay.
"Magandang hapon
sa inyo, kayo ba ay naligaw?" sabi ng matandang lalaki.
"Ginabi na po
kami at kami po ay nagugutom... Nakakahiya po ngunit manghihingi kami ng pabor
na kung may konti kayong tinapay ay manghihingi po kami para kami ay makaraos
sa gabing ito.." Sabi ng nakatatandang anghel...
"Oo meron kami
dito at gabi na rin masyado para kayo ay maglakbay, kaya dito na kayo
magpalipas ng gabi!" sabi ng matandang babae.
Gutom man hindi pa rin
masyadong nakakain ang nakababatang anghel sapagkat napansin niyang ang
ibinigay sa kanila ay ang tanging pagkain ng mag-asawa. Inalok niya subalit
ipinilit ng mga matatanda na sila ay kumain sapagkat sila ay malayo pa ang
lalakbayin kinabukasan. Maliban doon, pinatulog sila ng mag-asawa sa
kanilang higaan, at ang mga matanda ay natulog sa sahig.
Kinabukasan, nagising
ang nakababatang anghel sa isang malakas na iyak. Lumabas siya at nakita
ang matandang babae na umiiyak habang tinitignan ang asawang inaasikaso ang
namatay na baka na tangi nilang kayamanan. Bumalik sa loob ng kubo ang nakababatang
anghel na may galit. Hinarap ang isang anghel at sinabing
"bakit mo ito
ginawa? iyong mayamang matapobre hindi tayo inasikaso pero inayos mo pa
ang dingding ng bahay niya. Pero itong mga matatandang halos lahat ng
mayroon sila ay inalay sa atin.. hinayaan mo pang mamatay ang baka
nila... Bakit?"
"Naiintindihan ko
ang ngitngit mo, munting anghel... Pero nung nandun tayo sa mansyon ng
matandang matapobre na sinasabi mo.... nakita ko na may kayamanan sa butas ng
dingding. Hindi pa niya iyon nakikita. At dahil sa masama ang ugali niya
tinakpan ko iyon... Kagabi naman, dumating ang anghel ng kamatayan... kinukuha
ang matandang babae... pero dahil mabait sila sa atin, ang kanilang baka ang
aking ibinigay..."
"Sa ating
buhay, maraming ganitong kwento... Kadalasan nauuna ang ating
panghuhusga... Pero ang ating nakikita ay maaaring hindi tulad ng ating
inaakala. Tayo ay binibiyayaan sa paraang madalas ay hindi natin alam..."
How to gamble online in NJ: 6 Easy Steps
TumugonBurahinIf you are an avid sports fan, we'll help 제주도 출장샵 you determine the best way to 전라북도 출장안마 play and if 포항 출장안마 you 서귀포 출장마사지 want to learn how 논산 출장안마 to gamble. The first step in