Pandinig- tumutukoy ito sa ating kakayahang marinig ang anumang tunog sa pamamagitan ng ating tainga.
Pakikinig- isan proseso ng pag-iisip na may layunin na unawain ang kahulugan na nakapaloob sa mga tunog na pinakikinggan.
Mga Kategorya ng Pakikinig
1. Marginal o Passive na Pakikinig- Ito'y pakikinig na isinasagawa kasabay ang iba pang mga gawain. Halimbawa: Pakikinig sa isang usapan habang kumakain, nagsusulat, naglalaba atbp.
2. Masigasig na Pakikinig- Ito'y pakikinig na hanggat maari'y malapit ka sa nagsasalita o nag-uusap para sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng usapan upang magaroon ng angkop na kabatiran sa pangunahing ideya o paglalahah ng tagapagsalita.
3. Mapanuring Pakikinig- Ito'y isang pakikinig na nagsusuri o naghahatol sa kawastuhan ng mensaheng napakinggan. Naisasagawa ang ganitong uri ng pakikinig kung nasasabi ang pag-uugnayan ng mga kaisipan o ideyang napakinggan; nasasabi ang kaibahan ng katotohanan sa pantasya; ng totoo sa opinyon atbp.
4. Malugod na Pakikinig- Ito'y pakikinig na isinasagawa ng may lugod at tuwa sa isang kuwento, dula, tula at musika.
The best and most reliable online casinos with slot machines
TumugonBurahinTop 5 Best Slots for UK players · LeoVegas luckyclub · 1. Red Dog · 2. Pragmatic Play · 3. Booming Games · 4. Pragmatic Play · 5. Slots LV.