Sabado, Marso 11, 2017

Ang Banghay-Aralin sa Filipino 18 "Alomorp ng Morpema at Pagbabagong Morpoponemiko"

Ang Banghay-Aralin sa Filipino ng Fil 18
Alomorp ng Morpema at Pagbabagong Morpoponemiko

I.  Layunin:
            Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a.    Nakapagbigay ng tigdalawang halimbawa ng salita na may alomorp kalakip dito ay ang pagsunod sa mga alintuntunin ng mga panlaping may alomorp sa Filipino.
b.    Nakapabigay ng tig-isang halimbawa sa mga proseso ng pagbabagong morpoponemiko.
c.    Naipakita ang pagiging totoo sa pamamagitan ng pagwawasto ng kanilang sariling sagot sa mga tanong na ibinigay sa unang gawain.

II. Paksang-Aralin, Sanggunian at Kagamitan:
a.    Paksa: Alomorp ng Morpema at Pagbabagong Morpoponemiko.
c.    Kagamitan: Sagutang papel, atbp.

III. Pamamaraan: Guro-mag-aaral-teksto.
a.    Panalangin
b.    Pagsasaayos
c.    Pagtatala
d.    Pagbabalik-aral

IV. Pagganyak:
            Ang guro ay maghahanda ng palaro para sa kanyang mga mag-aaral. Ang pangalan ng laro ay “Matira-matibay” na kung saan kanyang susubukin ang dating kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan  ng pagsagot sa mga katanungan ng “Tama” o “Mali’.  May mga pamantayang sasabihin ang guro. Kung sino ang tatlong matitira ay magkakaroon ng tigdalawang  karagdagang puntos at pag isa na lang ang natira ay magkakaroon ulit ng dagdag tatlong puntos. Ang mga matatanggal sa palaro ay ipagpapatuloy parin ang pagsagot sa mga katanungan sa kanilang sagutang papel na ibinigay ng guro.

A.  Paglalahad
            Ilalahad ng guro ang mga katawagan ng may kaugnayan sa kanilang pag-aaral sa alomorp ng morpema at pagbabagong morpoponemiko. Ilalahad ang apat na panlaping may alomorp sa Filipino ang pang, mang, sang at sing.  At ang pitong uri sa proseso ng pagbabagong morpoponemiko. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Asimilasyon na may dalawang uri ang asimilasyong ganap at di-ganap 2. Pagkakaltas-ponema 3. Pagpapalit-ponema 4. Paglilipat-diin 5. Metatesis 6. May Angkop at pang 7. May sudlong o Padaragdag Ponema.

B. Pagtatalakay
            Dito na tatalakayin ng guro isa- isa ang mga alomorp at mga pagbabagong morpoponemiko. Dito mas matatagalan ang pagtuturo dahil sisiguraduhin ng guro na maiintindihan ng kanyang mga mag-aaral ang kanyang itinuturo. Gagawin ang pinakamainam na paraan upang maging madali sa mga mag-aaral ang pag-unawa sa apat na panlaping may alomorp sa Filipino upang mas maging madali sa kanila ang pag-aaral sa ilan sa mga uri ng pagababagong morpoponemiko. Dadahan-dahanin lang ng guro ang kanyang pagtuturo upang ang kanyang itinuturo ay mas mauunawaan ng kanyang mag-aaral. Sa kalagitnaan ng pagtatalakay kung mangyayari may itatanong ang guro at pag may nakasagot ay magbibigay di ng karagdagang isang punto.


C. Paglalapat
            Mangyayari ang mag-aaral ay hihingan ng guro ng tigdalawang halimbawa na ginagamitan ng panlaping may alomorp at mangyayari ito pagkatapos mismo ng pagtalakay.  Pareho rin ang mangyayari pagkatapos ng pagtalakay sa Pagbabagong Morpoponemiko pagkatapos ng pagtatalakay ay agad itong lalapatan ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagbigay ng sariling halimbawa.

D. Paglalahat
            Tatanungin ulit ng guro ang mga mag-aaral kung kanila bang naunawaan ang paksang tinalakay. Kagaya ng mga tanong na; Ano nga ulit ang alomorp? Anu-ano ang mga panlaping may alomorp? Kailang nating gagamitinang alomorp ng pang, mang, sang at sing? Ang Pagbabagong Morpoponemiko, ano nga ulit ito?... atbp.

E. Pagtataya
            Ang guro ay may gaganaping paligsahan. Paligsahan sa tagisan ng talino. Ang klase ay hahatiin ng guro sa dalawang pangkat, ang guro ang mamimili ng lider sa dalawang pangkat at magbibilang ng isa-dalawa isa-dalawa ang mga mag-aaral na hindi napili. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng guro ng mga kagamitan upang kanilang magagamit sa pagsagot sa mga katanungan.



                                         Isinagawa ni:

                                             Flordiliza M. Pacquiao
                                                                            BSEd-II





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento