Sabado, Marso 11, 2017

Sapatos Kong Napili, Kasama Ko sa Paglalakbay Patungong Tagumpay

Ang pamimili ng kurso ay katulad din ‘yan ng pagpili mo ng sapatos na iyong bibilhin. Dapat kumasya sa sukat ng paa mo. Unang-una bago ka bumili, titingnan mo muna kong ito ba’y iyong naibigan. At saka magpapasya kung ang halaga ba’y kaya ng bulsa. Ngunit marami sa mga mamimili ang inuunang tingnan ang halaga (price) at saka pagpasyahang bilhin. Ito, ito ay isa sa mga patunay na sa pagpili, kapag ikaw ay pumili dapat ito ay iyong matipuhan at ilakip mo narin ang kung ano ang sinasabi ng iyong kaloob-looban. Ngunit bakit pagiging guro ang kursong aking pinili? Dahil ba katulad din sa pagpili ko ng sapatos, ninais ko rin ba na maging isang guro? Nahanap ko ba ang tukmang sukat ng sapatos sa aking mga paa at sasabayan ako sa paglalakbay upang makamit ang aking mga pangarap patungong tagumpay?
Noong ako ay nasa elementarya pa lamang  pangarap ko na ang maging isang guro at hanggang sa mag dalawang taon na ako sa haiskul. Noon naalala ko, habang nag-uulat ako at nagsasalita sa harap ng aking mga kaklase bukod sa may pangangambang nadarama ramdam ko’y nagiging masaya ako ng mga sandaling ‘yon. Pagkatapos pa noon, sinabi ng isa kong kaklase na “Flor, ikaw mag istorya ba kay naay hand moves, mura gyud og maestra”. Masaya, masaya ako sa aking narinig. Hindi nagtagal ang panahon ang mga taon at araw ay kay daling lumipas at akoy gagradweyt na sa sekondarya. Isang araw abala kaming mga magkakaibigan sa pag-uusap kung sakali makapag- aral kami ng kolehiyo ay anong kurso ang aming kukunin at saan kami mag-aaral. Magulo, maingay, may nagtatawanan at pati ako ay nalito kung anong kurso ang aking pipiliin. Kaya ayon nilagay ko sa lisatahan para sa aming Year Book na gusto kung mag Business Ad dahil narin sa gusto kong magnegosyo at magpayaman. Okay lang na Business Ad ang nilagay ko, hindi pa naman huli ang pagpapasya at hindi rin ako sigurado na ako ay makakapag-aral sa kolehiyo dahil ako ay anak maralita lamang.
Tapos na ang grawasyon namin. Summer time, Isang araw sinabi ko kina Mama at Papa “Ma, Pa, gusto gyud ko mo skwela” habang ang aking mga luha ay dahan-dahang nahuhulog sa giliran ng aking mga mata. “Ayaw ra gud mig hilak-hilaki bi, unsaon mana nato na pobre man ta? Imo man ganing Ate wala naka skwela, ikaw na noon?” Hindi ko alam kong  may pagkaawa bang naramdaman ang aking Mama at Papa noon. Inintindi ko nalang, oo ininintindi ko na mahirap lang kami. Pinunasan ko ang mga luha sa aking mga mata, nagmuni at humanap ng mapagtatrabahuan. Pangalawang lingo sa April, may mensahe akong natanggap galing sa aking kaklase sa haiskul, kalakip  doon ay listahan ng mga pangalan ng pumasa sa iskolarship, nasa workplace ako noon. Dahan-dahan kong binasa at binababa ang mensahe at nabasa ko ang pangalan ng aking mga kaklase na pumasa. Una… pangalawa…pangwalo… wala… pangsiyam…panghuli na’to..pangsampu. Pangalan ko! Oo pangalan ko ‘yong panghuli. Laking gulat at ako’y nagagalak. Ako’y punong-puno ng pag-asa. Walang mapagsidlan ang aking tuwa at saya. Salamat Panginoon ko ang aking mga kahilingan at dasal ay sinagot niyo.
Fast forward, paahon na para mag enroll. Ako lang mag-isa, walang kasama, walang kaibigan, tanging panulat at mga dokumento lang ang aking bitbit. Bago paman dumating ang araw na ito, nais ko talagang maging isang guro at buo na ang aking disisyon. At palagay ko’y ito na talaga ang tukmang sukat ng sapatos para sa paa ko. Plano ko din na habang nagtuturo ay ipagpapatuloy ko ang pagnenegosyo.
 Pacquiao, Flordliliza Magallon BSED-ENGLISH I Officially enrolled. Masaya ako, napakasayang Makita ang aking ID parang ang puso ko’y gumiling-giling dahil sa sobrang kaligayahan.
Sa kasalukuyan ay ako po’y nasa ikalawang taon na sa kohehiyo BSED- FILIPINO II, hindi ko na naipagpatuloy ang pagpapakadalubhasa ko sa wikang Ingles dahil may proficiency exam na isinagawa ang Pamantasan ng Kapitol para sa mga English Majors upang sila ay makapagpatuloy sa panibagong taon. Ako’ y hindi pinalad na makapasa sa pasulit na ‘yon  kaya nag shift ako ng Filipino. Ngunit para sa akin, hindi mahalaga kung ano ang ‘yong pinagkakadalubhasaan, ang mahalaga ay ang kalidad ng pagtuturo  at kung paano ka hinubog  at binuo ng iyong tagapagturo  upang ikaw ay ihanda sa panibagong hamon ng buhay na iyong masasagupa,mahaharap at mararanasan. Maraming salamat po!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento