Alam mo ba na ang Wikang Chinese ang pinakatanggap na gamiting wika sa buong mundo at nangunguna sa listahan ng pinakagamiting wika sa ngayon?
Ang mga lingggwista ay may tantya na mayroong humigit kumulang na 6,800 na wika sa makabagong mundo ngayon.
Mahagit sa 14% ng kabuuang populasyon sa buong mundo ang nagsasalita ng Chinese o Mandarin. Ang mga nasa Taiwan, Malaysia at Singapore ay nagsasalita rin ng Mandarin bilang kanilang pangunahing wika. Ang karamihan sa mga nagsasalita ng Mandarin ay matatagpuan sa pangunahing lupain ng China na may populasyon na 1.3 bilyon. Sa asya pasipiko, 34% ng populasyon ay nagsasalita ng Mandarin. Kahit na kasali ang lahat ng mga diyalekto na ginagamit sa loob ng Tsina, Mandarin ang pinaka popular na diyalekto at kinikilala bilang opisyal na wika ng bansa. Maysa 955 milyong katutubo ang nagsasalita nito, isa sa mga dahilan kung kaya't natawag na pinaka tinanggap na gamitng wika sa buong mundo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento